Makikinabang sa libreng pabahay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang daan daang pamilyang nawalan ng bahay dahil sa landslide sa barangay Tinaan, Naga City sa Cebu nuong isang taon.
Kasunod na rin ito ng ground breaking ceremony sa Naga Permanent Housing Project kahapon.
Kasabay nito, inatasan ng pangulo ang National Housing Authority (NHA) na ibigay ng libre ang nasabing pabahay sa mga naapektuhan ng bagyong sindong at ng Zamboanga siege.
Magugunitang 80 ang nasawi at 60 bahay naman ang natabunan sa pagguho ng lupa nuong September 20, 2018 dahil sa walang tigil na pag ulan sa lugar.