Nakatanggap ng ayuda ang mga pamilyang nawalan ng tirahan matapos maitala ang sunog sa isang residential area sa Pandacan, Maynila.
Ayon sa mga tauhan ng Manila Bureau of Fire of Protection (BFP), umabot sa 10 bahay ang nilamon ng apoy dakong alas- 5:24 ng madaling araw sa ikalawang palapag na tahanan na matatagpuan sa 1230 Maaliwalas Kahilum 2 St., sa nabanggit na lungsod.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas- 6:26 ng umaga.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan pero tinatayang aabot sa P100, 000 ang halaga ng danyos na naabo sa sunog.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.