Narekober ng mga otoridad ang ilang pampasabog, uniporme at baril sa headquarters ng United States Allied Freedom Fighters of the East na pinamumunuan ni Atty Ely Pamatong sa Brgy Tablon, Cagayan de Oro City.
Ang nasabing raid ng ML SAG o Martial Law Special Action Group ay base na rin sa kautusan ng Korte matapos mapaulat ang pagtatago ng mga baril at pampasabog sa naturang headquarters.
Target ng raid ayon kay ML SAG Member at CIDG Deputy Director for Operations Supt Melgar Devaras si Pamatong na bigo nilang mahuli dahil nasa Maynila umano.
Dahil sa raid sa 42 istruktura kakasuhan ng mga otoridad si Pamatong.
By: Judith Larino
SMW: RPE