Nakumpiska ang halos 250 piraso ng dinamita at iba pang pampasabog sa dalawang lalake sa San Carlos Heights sa Baguio City.
Ayon kay Chief Insp. Carolino Lacuata, information officer ng police regional office ng Cordillera, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang mga di pinangalanang suspek.
At nang magkaroon ng positibong resulta ang pagmomonitor ng mga otoridad, dito na nila isinagawa ang isang operasyon kung saan nila nakumpiska ang mga pampasabog.
Nabatid na iligal na nagsu-suplay ng mga pampasabog sa mga minero ang mga nahuling salarin.
Haharap sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms ang dalawang suspek.