Exempted sa number coding scheme sa Metro Manila ang mga pampasaherong bus mula ngayong araw hanggang susunod na Lunes, Abril 2.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) layon nitong matugunan ang dami ng bilang ng mga pasaherong bibiyahe ngayong Semana Santa.
Nilinaw naman ng MMDA na iiral pa rin ang number coding sa iba pang uri ng sasakyan.
‘Fully booked provincial buses’
Fully booked na ang mga biyahe pa-Bicol at Visayas region mula sa Araneta Bus Center Port sa Cubao, Quezon City.
Mula ito kahapon, March 25 hanggang sa Biyernes Santo, March 30.
Gayunman, may mga extra bus pa umanong darating sa Quezon City mula sa mga lalawigan.
Kahapon ay mahigit 6,000 pashero na ang dumagsa sa Araneta Center Bus Port para umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Inaasahang mas marami pang pasahero ang dadagsa sa bus terminals sa Miyerkules Santo dahil deklaradong holiday ang Huwebes Santo, March 29.
—-