Nanawagan ang isang mambabatas na dagdagan ng Department of Transportation (DOTr) ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na pumapasada.
Ito ang naging panawagan ni Marikina Congresswoman Stella Quimbo sa pagdinig ng kamara sa budget ng ahensya para sa susunod na taon.
Paliwanag ni Quimbo, kahit pa sabihing ipinatupad na ang reduced distancing sa loob ng mga public transport, nanatili pa rin namang higit 1-milyon ang nai-stranded na mga pasahero dahil sa kakulangan ng mga masasakyan.
Pero, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra, kung sa Metro Manila ang pagbabasehan, tumaas na ang bilang ng mga bumabyaheng pampublikong sasakyan na aabot sa 77,609 matapos na madagdagan ng nasa 17,000 mga bagong ruta ng mga tradisyunal na jeepneys.