Magsasagawa ng paghahanda ang pamunuan ng mga sinehan sa mga ipatutupad na panuntunan bago ganap na buksan sa mga fully vaccinated individuals ang kanilang serbisyo.
Ito’y kasunod ng pagpayag ng IATF na makabalik na sa operasyon ang mga sinehan sa ilalim ng alert level 3 sa Metro Manila, simula ngayong araw.
Sa laging handa briefing, sinabi ni DTI Usec. Ireneo Vizmonte, ito ang dahilan kung bakit hindi agad agad na makakapagbukas ng mga sinehan sa bansa.
Aniya, kailangan munang tiyakin ng mga ito na magkakaroon ng maayos na bentilasyon sa mga establisyimento, masiguro na masusunod ang social distancing ng mga manunuod lalo na’t 30 percent lamang ang pinapayagang venue capacity.
Bukod dito, kabilang sa guidelines na kanilang ipinatupad ay hindi maaaring alisin ng kanilang kustomer ang suot na facemask, hindi pagkain sa loob ng sinehan at kailangan rin mayroong safety officers na magbabantay sa loob ng venue.