Pinaghahandaan na ng pamunuan ng mga tollways ang pagdagsa ng mga sasakyan na uuwi sa mga probinsiya para sa Semana Santa sa susunod na Linggo.
Ayon sa Metro Pacific Toll Corporation (MPTC) , aabot sa daan libong motorista ang inaasahang daraan sa mga toll plaza.
Dahil dito, pinayuhan ng mptc ang mga motorista na magpakabit na ng Radio Frequency Identification (RFID) sticker at tiyakin na may laman ito para iwas abala.
Ipinabatid ni Luigi Bautista,NLEX Corporation President magdadagdag sila ng toll servers para sa holy week.
Pansamantala ring ititigil ang mga ginagawang kalsada sa kahabaan ng mga expressway para iwas traffic.