Iniimbestigahan ngayon ng Food and Drugs Administration o FDA ang kalidad ng mga ibinebentang harina mula Turkey at Vietnam sa pamilihan.
Ito’y bilang tugon sa impormasyong ibinigay sa kanila ng Philippine Association of Flour Millers o PAFMIL na nagtataglay umano ito ng sobra-sobrang bacteria.
Sa liham na isinumite ng PAFMIL sa FDA, napag-alamang nagtataglay ng 2,200 colony – forming units per gram ng yeast bacteria ang Turkish brand na Metro Star habang 1,800 colony – forming units per gram ng yeast bacteria naman ang nakita sa Vietnamese flour na Gold Crescent.
Mas mataas ito sa limit na 100 colony – forming units per gram na itinakda ng FDA sa ilalim ng revised guidelines na tumutukoy sa kalidad ng mga processed food.
Sa naging panayam ng DWIZ kay Ric Pinca, Pangulo ng PAFMIL, mas makabubuti para sa mga panadero na iwasan muna ang paggamit sa mga nasabing harina na posibleng magdulot ng peligro sa kalusugan ng tao
“Marami namang ibang klase na puwedeng gamitin to make bread, just to be sure, to ensure that the public is safe then let us not use this flour in the meantime.” Pahayag ni Pinca.
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita