Ipinagbawal na ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang paglilipat at pagtatanim ng cassava mula sa Bukidnon, patungo sa ibang probinsya sa northern Mindanao.
Ayon kay Alcala, ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na “cassava witches’ broom,” isang uri ng impeksyon na tumatama sa mga cassava.
Unang natuklasan ang sakit sa bayan ng Manolo Fortich, na nasa boundary ng Bukidnon at Cagayan de Oro, at ngayon ay kumalat na sa walong bayan ng Bukidnon.
By Katrina Valle