Apektado ng tagtuyot ang mga pananim na mais at gulay sa Davao City.
Kalahati ng mga pananim sa tatlong ektaryang maisan ang hindi na puwedeng anihin dahil walang laman ang mga bunga ng mais.
Ayon sa caretaker ng maisan, hindi na nila naisalba ang mga pananim kahit pa lagi silang nagdidilig noong nakaraang buwan.
Reklamo naman ng ilang magsasaka, bumagsak sa 500 pesos ang kanilang kita mula apatnalibong piso (P4,000) kada linggo dahil sa epekto ng matinding init sa pananim na talong, siling labuyo at okra.
Sinabi ng City Agriculturist Office, ang mais, gulay at upland na palay ang pinaka-apektado ng dry spell.
—-