Maaaring i-report ng publiko sa People’s Law Enforcement Board o PLEB ang mga pang-aabuso ng mga pulis.
Ito, ayon kay Interior and Local Government Officer-In-Charge Catalino Cuy, ay bilang bahagi ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga scalawag at tiwaling pulis.
Ang pagtatatag ng isang PLEB sa bawat lungsod at bayan ay nakasaad sa D.I.L.G. Act of 1990 o Republic Act 6975.
Mayroon anyang otoridad ang PLEB na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga nasabing pulis at magpataw ng mga parusa tulad ng suspension, demotion o dismissal.