Tiniyak ng Malalakaniyang na iimbestigahan at papapanagutin ang mga nasa likod ng mga umano’y pang-aabuso sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Ito’y makaraang maglabas ng pahayag ang IBP o ang Integrated Bar of the Philippines sa Lanao del Sur na kumukondena sa mga iligal na paghalugog at pagkumpiska sa mga bahay-bahay sa Marawi at iba pang panig ng Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kanila nang ipinauubaya sa Department of Justice at maging sa AFP o Armed Forces of the Philippines kung paano sasagutin ang mga naturang paratang.
Giit ni Abella, dapat lamang matigil ang mga pang-aabuso kung may katotohanan man ang mga akusasyon laban sa mga awtoridad.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping