Maraming pagbabago ang makikita sa naging unang taon ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, isang ‘fundamental changes’ ang ginawa ng Pangulo sa bansa.
Kung saan kinakamayan na umano natin ang mga bansang hindi napapansin noon, katulad ng China at Russia.
Anya, hindi natin tinalikuran ang mga dating kaalyadong bansa katulad ng Europe at Estados Unidos.
Wala rin umano tayong sinirang relasyon bagkus isa umano itong improvement sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at iba pang bansa sa mundo.
Iginiit ni Pimentel sa DWIZ na binigyan lamang ng Pangulo ng aksyon ang mga ipinangako nito noong panahon ng kampanya.
Isa na umano dito ang pag-aayos ng problema ng bansa.
“Nakita po natin na kung ano man ang ipinangako noong kampanya ay kinilusan, kinilusan talaga.”
“Sabi naman ni President Duterte eh why is he the President, what is his power for except to really fixed the problems of our country, yun yung informs niya yung tumakbo siya eh”
Kung meron man umanong dapat pagtuunan pa ng pansin ang Duterte administration sa susunod na taon nito, ito ay ang implementasyon ng mga infrastructure works at ‘peace and order’.
Ani Pimentel, sa aspeto ng infrastructure, naiintindihan umano niya na matagal ang proseso nito.
Ngunit, inaasahan niya umano na maisasakatuparan na ito pagkatapos ng isa o isa’t kalahating taon.
Aminado naman si Pimentel na malaki pa ang kailangang gawin para sa ‘peace and order’ sa bansa.
Ito anya ay nasa kamay na ni PNP o Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.
Nababawasan naman umano ang kriminalidad sa bansa ngunit kaliwa’t kanan naman anya ang patayan.
Na maging siya mismo ay nababahala rin sa mga ganitong mga ulat.
“Alam mo ang bola nito ay na kay Chief Bato na ito ng PNP na bawas-bawasan o ma-solved itong mga krimen.”
“Dyan sa area nay an sa tingin ko itong next year dapat may makita na tayong improvement kasi ako mismo nababahala na sa kaliwa’t kanan na patayan na nababasa kong balita”
Samantala, ininahayag naman ni Pimentel na kanilang tatalakayin sa pagbabalik ng session ang tatlong usapin:
Una ang income tax reform, pangalawa naman ang usaping death penalty at pangatlo ang panawagan umano sa pag-shift ng gobyerno sa Pederalismo.
‘We are just implementing our visiting forces agreement’
Hindi pa desperado ang Pilipinas.
Ito ang iginiit ni Senate President Koko Pimentel sa panayam ni Cely Ortega – Bueno sa programang Usapang Senado sa DWIZ.
Kaya naman umano ng puwersa ng militar ng bansa na sugpuin ang teroristang grupo na umaatake ngayon sa Marawi City.
Anya, nag-alok lamang ng tulong ang bansang Amerika at Australia dahil sa VFA o visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng naturang bansa.
“Yung dalawang bansa na ‘yan na nag-o-offer ng tulong kasi mayroon tayong visiting forces agreement o VFA o some military agreements with these two countries.”
Nakapaloob anya sa VFA na maaaring tumulong ang dalawang bansa kung mayroong kalamidad o sakuna sa bansa.
Maituturing umanong isang kalamidad o ‘man-made calamity’ ang nangyaring kaguluhan sa Marawi kaya’t maaari umano itong tumulong sa atin para maresolba ang kaguluhan sa Marawi.
“Marami ang pwedeng ano doon collaboration, pwedeng ngang kung may calamity o disaster, pwede silang tumulong.”
“Eh ngayon, ito ay parang man-made calamity ito, merong rebelyon, nag declare ng martial law, pwede din po silang tumulong.”
Ani Pimentel, hindi simbolo ng pagka-desperado ang pagtanggap ng tulong mula sa ibang bansa bagkus sayang naman umano ng pinagkasunduan kung hindi ito isasakatuparan.
“Hindi ibig sabihin noon na ni-request natin ‘yan dahil desperado na tayo na kailangan na natin ng tulong iba’t ibang bansa.”
“We are just operationalizing or implementing our visiting forces agreement, sayang naman eh, meron tayong agreement sakanila. Pwede nga silang tumulong kung tinamaan tayo ng malakas na bagyo, pwede silang tumulong under this VFA.”
By Race Perez | Usapang Senado Program (Interview)