Umaasa ang ilang senador na hindi lamang mapapako sa pangako ang lahat ng mga napag-usapan sa katatapos pa lamang na APEC Summit.
Kapwa inihayag nila Senadora Loren Legarda at Sonny Angara na dapat totohanin at tuparin ang mga naging kasunduan tulad ng pagsugpo sa terorismo gayundin ang pangakong pagtutulungan ng mga malalaki at maliliit na mamumuhunan.
Sa panig ni Legarda, sinabi nito na sa mga susunod na taon pa mararamdaman ang pangmatagalang epekto ng ginawang APEC ngayong taon.
Para naman masulit ang malaking gastos ng gobyerno sa nasabing pulong, sinabi ni Angara na mahalagang maipagpatuloy ang mga nasimulan ng administrasyon sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapabuti ng business environement sa bansa.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)