Naisumite na ng Department of Transportation (DOTr) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pangalan ng mga public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na karapat-dapat makatanggap ng ayuda matapos mawalan ng pagkakakitaan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ginawa ni Transport Assistant Secretary Giovanni Lopez ang pahayag matapos isiwalat ng Malacañang na plano ng gobyerno na mamahagi muli ng cash aid sa mga drivers at operators.
Una rito, sinabi ni Roque na ang subsidy na makukuha ng mga benepisyaryo ay mula pa rin sa Bayanihan to Heal as One Act o ang Republic Act 11469.