Muling nagsulputan ang mga kahina-hinalang pangalan na sinasabing nakatanggap ng 612.5 million pesos na confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Kabilang sa mga ito ang mga pangalang tila katunog ng mga sikat na artista at high-profile personalities, tulad nina Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, Fiona Ranitez, Ellen Magellan, Erwin Q. Ewan, Gary Tanada, at Joel Linangan.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V, kung paulit-ulit na gumamit ang OVP at DEPED ng mga gawa-gawang pangalan ay dapat mayroong journal kung saan nakasaad ang tunay na pangalan ng mga nakatanggap ng confidential funds.
Nabatid na nitong mga nagdaang linggo lamang ay natuklasan din ang iba pang mga pangalan na hango sa chichirya, cellphone, prutas, at grocery items. —sa panulat ni John Riz Calata