Walang dapat ikabahala ang mga partidong may nakabinbing election protest sa paglipat ng Commission on Elections o COMELEC sa bagong opisina.
Kasunod na rin ito nang pagkumpirma ni COMELEC Spokesman James Jimenez hinggil sa nakatanggap na sila ng notice to vacate mula sa Intramuros administration.
Sinabi ni Jimenez na pinag-iingatan nila ang lahat ng mga dokumentong hawak nila.
Nakapagbigay na rin aniya sila ng advisory sa mga partido kasabay ang pagtiyak na mapoprotektahan nila ang boto ng mga ito.
Taong 2007 pa nang magsimulang mag opisina sa Palacio del Gobernador ang COMELEC subalit kailangan na nilang umalis dahil sa problema sa istruktura ng gusali.
—-