Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng gatas, kape at canned goods, ngayong marso.
Ito, ayon kay Trade Undersecretary Teodoro Pascua, ay bunsod ng paghina ng Piso kontra US Dollar.
Ang paghina rin anya ng Piso laban sa Dolyar ang maaaring dahilan ng pagsirit ng presyo skim milk at tin plates.
Ipinaliwanag ni Pascua na ang presyo ng imported materials sa manufacturing ay tumaas ng 35.6 percent mula sa dating 18.71 percent.
Gayunman, nilinaw ng DTI official na hindi basta maaaring magtaas ng presyo ang mga manufacturers dahil mayroong regulatory measures na ipinatutupad.
By: Drew Nacino