Nagsagawa ng inspeksyon ang LTFRB o Land Transportation and Franchising Regulatory Board at MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa mga pangunahing bus terminal sa Cubao, Quezon City kahapon.
Ito ay upang masigurong magiging ligtas ang magbi-biyahe ngayong Semana Santa.
Unang binisita ng mga opisyal ang terminal ng Jam Liner at katabi nitong Alps Bus Company upang makita kung tumutugon ang mga ito sa panuntunan.
Binisita rin ng mga opisyal ng LTFRB at MMDA ang Araneta Center Bus Terminal kung hindi pinayagan ang isang bus na makapagbiyahe dahil sa kawala nito ng special permit para makapag-biyahe sa southern Leyte.
Sinita naman ang isa pang bus dahil sa pagpapaupo ng pasahero sa gitnang bahagi nito.
Kabilang rin sa nag-ikot ang mga opisyal ng Movie and Television Review and Classification Board upang inspeksyunin ang mga ipinapalabas sa mga bus.
Nagpaalala ang MTRCB na hindi dapat na malaswa at biolente ang mga ipinapalabas sa mga pampasaherong bus.
By Rianne Briones