Magkakaroon na ng libreng wifi sa ilang pangunahing lugar sa lungsod ng Maynila.
Ito’y matapos lumagda ng kasunduan si Manila Mayor Isko Moreno at PLDT-Smart President at CEO Manny Pangilinan para lagayan ng Wi-Fi connections ang Manila City Hall, ospital ng Maynila, Tondo Medical Center, Gat Andres Medical Center, Universidad De Manila at Museo Pambata.
Magagamit ng publiko ang libreng Wi-Fi sa loob ng 30 minuto kada araw.
with report from Aya Yupangco (Patrol 5)