Ikinaalarma ng Commission on Human Rights ang mga panibagong birada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial Executions Agnes Callamard.
Ayon sa C.H.R., hindi lamang si Callamard ang kikilabutan sa mga panibagong banat ng Pangulo kundi maging mga Human Rights Defender na nagpapahayag lamang ng kanilang pangamba sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
Iginiit din ng C.H.R. na bagaman suportado nila ang war on drugs, tutol naman sila sa paraan ng gobyerno sa pagpuksa sa naturang problema partikular ang pagpatay nang walang due process.
Magugunita noong Miyerkules ay muling binakbakan ni Pangulong Duterte si Callamard kaugnay sa batikos nito sa pagkakapatay ng mga pulis sa 17 anyos na si Kian Lloyd Delos Santos sa Caloocan City.
By: Drew Nacino
SMW: RPE