Tiniyak ng PPA o Philippine Ports Authority na handa ang mga pantalan sa buong bansa para tugunan ang pangangailangan ng publiko.
Ito’y kasunod na rin ng mga maiistranded dahil sa pag-iral ng LPA o Low Pressure Area sa Visayas at Mindanao na sinabayan pa ng holiday exodus.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, titiyakin nilang masusunod ang mga panuntunan hinggil sa kanselasyon ng mga biyahe tuwing may sama ng panahon.
Sa harap nito, hinikayat ni Santiago ang publiko na huwag nang manatili sa pantalan kapag nakansela ang kanilang biyahe sa halip ay umuwi na muna.
Gayunman, may nakahanda naman silang ayuda sa mga pasaherong hindi maiiwasang manatili sa mga pantalan dahil sa layo ng kanilang pinanggalingan.