Tinutulugan lamang ng mga mambabatas ang inaamag na umanong Anti-Political Dynasty Bill.
Ito ang inihayag ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno sa kabila ng panawagan ni Pangulong Benigno Aquino III sa kaniyang State of the Nation Address o SONA na isabatas ito.
Sinabi ni Puno, malinaw ang isinasaad ng 1987 Constitution na ipinagbabawal ang political dynasties at binibigyan din nito ng kalayaan ang mga mambabatas na para gumawa ng batas para ipatupad ito.
Bukod sa Anti-Dynasty Bill, sinabi ni Puno na isa rin sa inaamag na batas na makapagpapabuti sana sa sistema ng pamamahala sa bansa ay ang Freedom of Information Bill na dapat na ring ipasa.
By Jaymark Dagala