Kinontra ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang mga panukala na putulin na ng Pilipinas ang diplomatikong relasyon nito sa Iceland at kumalas bilang miyembro ng UNHRC o United Nations Human Rights Council.
Matatandaan na ang Iceland ang nagsulong ng resolusyon sa UNHRC para imbestigahan ang drug war sa Pilipinas.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Locsin na maliit na bagay ang boto sa UNHRC.
Mas mahalaga anya na manatili ang Pilipinas sa UNHRC upang sundin ang obligasyon nitong turuan ng tamang moral manners ang mga Europeans.
Tinukoy ni Locsin ang tila kultura anya ng pambubugbog ng babae sa Iceland.