Kasado na ang mga gagamiting panuntunan sa gagawing presidential at vice presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Kasunod nito, inilabas na rin ang mga paksang tatalakayin sa panahon ng debate.
Iikot sa agrikultura, kahirapan, charter change at peace and order ang unang hanay ng paksa sa Pebrero 21 na gagawin sa Mindanao.
Kalusugan, edukasyon, kurapsyon, climate change at disaster preparedness naman ang tatalakayin sa Marso 20 sa Visayas.
Habang problema naman sa trapik at transportasyon, reporma sa pulitika at eleksyon gayundin ang foeign at tax reform naman ang tatalakayin sa Abril 24 na gagawin naman sa Pangasinan.
By Jaymark Dagala