Muling pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19 lalo ngayong malapit na ang pasko kung saan maraming mga pagtitipon at selebrasyon.
Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, dapat ugaliing magsuot ang face mask sa mga crowded area at isipin na ang virus ay lagi nating kasamang namumuhay.
Umaasa naman si Vergeire na magpapatupad ang mga kumpanya ng mga polisiya, gaya ng pagpapahintulot sa mga bakunado lamang na dumalo sa pagdiriwang, lalo sa loob ng establisyimento.
Samantala, umapela rin ang DOH sa publiko na magdoble-ingat at tandaan ang safety protocols upang hindi na dumami pa ang magkakasakit sa holiday season.