Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga panuntunan hinggil sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy na nakatakda bukas, Oktubre otso.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kung mayroon pang maghahain ng kandidatura at maabutan ng huling oras ng filing na 4:45 ng hapon, ang receiving office ay ililista ang pangalan ng aspirants na nasa loob ng designated queuing area, oras at tanging may kumpleto na COC lamang ang ilalagay.
Kaugnay dito, tatawagin ang mga pangalan ng aspirants base sa pagkakasunod-sunod sa listahan upang maghain at matatakan ng ‘received ’ang COC.
Ilalabas naman simula Otubre 29 ang tentative list ng mga kandidato sa official website ng COMELEC at hanggang Nobyembre 8 para sa pag-ayos ng typographical error sa pangalan ng mga kandidato para sa official ballot.—sa panulat ni Airiam Sancho