Ipinalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang guidelines sa implementasyon ng gun ban para sa election period sa 2022.
Sa COMELEC Resolution 10728, hindi pinapayagan ang pagdadala at pagbiyahe ng baril at iba pang deadly weapons mula January 9 hanggang June 8, 2022.
Suspendido rin ang Permit to Carry Outside of Residence, Mission Order at iba pang letter orders mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang Government Law Enforcement Agencies.
Bibigyan naman ng Certificate of Authority (CA) ang mga regular officers, miyembro at agents ng ilang piling tanggapan ng gobyero. —sa panulat ni Hya Ludivico