Inihayag ni Dr. Rontgene Solante na hinihintay na lamang ang guidelines para sa pagtuturok ng booster shots at eksaktong petsa upang mailarga na ito.
Aniya, pinaplantsa na ng Department of Health (DOH) ang mga panuntunan para sa pagbibigay ng booster shot sa fully vaccinated individuals.
Posible aniyang isagawa ito ngayong buwan o sa Disyembre.
Sinabi pa ni Solante na ang booster shot ay ibinibigay anim na buwan pagkatapos ang full dose ng isang indibidwal.
Prayoridad sa booster shot ang mga health workers na nangunguna sa pagharap sa COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Hya Ludivico