Muling pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga may-ari ng sasakyang pandagat na mag-ingat sa pagpalaot dahil sa bagyong Jenny.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, tuwing may sama ng panahon ay agad nilang inaabisuhan ang lahat ng Coast Guard commanders partikular ang mga nasa pantalan na ipagpaliban ang pagpapalaot upang makaiwas sa anumang sakuna.
Patuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PAGASA lalo’t nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Jenny.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco