Tinanggal na ang testing requirement para sa mga indibidwal na papasok sa Ilocos Norte.
Ayon kay Ilocos Norte Governor Mattew Manotoc, batay sa kautusan ay epektibo ito bukas, February 14 kung saan ang mga fully vaccinated na asymptomatic residents, turista at authorized persons outside of residence (APOR) ay malaya nang makakapasok sa lalawigan.
Habang ang mga unvaccinated ay kailangan pa rin magpakita ng valid na medical clearance.
Papayagan ding makapasok ang mga kabataang edad 12 pababa basta kasama ang kanilang nabakunahang magulang.—sa panulat ni Abby Malanday