Kinondena ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS at ng Ecowaste coalition ang karahasan na nararanasan ng mga hayop tuwing sasalubungin ang Bagong Taon.
Kaya naman umapela sila sa publiko na magkaroon ng habag sa mga hayop na dumaranas ng nakabibinging ingay dulot ng mga paputok.
Sinabi ni PAWS Executive Director Anna Cabrera na natu-trauma ang mga alaga nating hayop, partikular ang mga aso at pusa dahil sa paputok.
Ani Cabrera, mas sensitibo kasi ang pandinig ng mga naturang hayop na madalas aniyang ipinagsasawalang bahala ng mga tao.
Sinabi naman ni Ecowaste Coalition Coordinator Aileen Lucero na ilan sa epekto ng trauma sa hayop ay stress, pagkawala ng gana sa pagkain, upset stomach at pagkalito sa sense ng direksyon.
By: Allan Francisco