Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng eye bags ay isang common na problema kapag nagkaka-edad na.
Ito ay dahil humihina na ang muscles at tissue na nakapalibot sa mata.
Payo ng mga eksperto upang mawala ang eye bags, gumamit ng green tea bag bilang “age-old method”
Taglay nito ang antioxidant na nakakapag-rejuvinate ng balat at nagbabawas ng pamamaga at pamumula.
Palamigin lamang ang tea bags sa refrigirator, at pagtapos ay ibabad ng 1- to 15 minutes sa eye lids.
Mainam din ang cucumber o pipino para sa eye bags at dahil may cooling effect ito na nakababawas sa pamamaga.
Samantala, pwede rin gumamit ng eye cream ngunit alamin muna ang mga sangkap na mayroon ito upang maiwasan ang hindi magandang epekto.