Nakipagsanib-puwersa na ang SM Prime Holdings Incorporated sa Department of Energy, Presidential Communications Office at USAID para sa pagsusulong ng you have the power campaign.
Suportado ng SM Supermalls at corporated social responsibility arm nitong SM Cars layon ng hakbangin na mahikayat ang publiko na mag adopt ng energy efficient lifestyle at igiit ang shared responsibility para sa kapaligiran.
Nagsimula ang kampanya sa SM Southmall sa Las Pinas City kung saan ipinakita ang mga nagwaging artworks mula sa digital poster making contest ng DOE na sinalihan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa.
Samantala, nakiisa naman ang mga high school students mula sa Our Lady of Pillar Montssori Center sa session hinggil sa energy efficiency at conservation 101 habang ini experience ang exhibit booths.
Tuluy tuloy naman ang roadshow sa SM City Sta Rosa, SM City Baguio, SM Seaside Cebu at SM Lanang Premiere kung saan ina anunsyo ang energy efficiency at conservation informercials para mahimok ang publiko na bawasan ang paggamit ng enerhiya.
Bukod pa ito sa innovative green building design ng SM Prime sa mga SM Supermalls kung saan nakapaloob ang renewable energy, energy efficient building management systems at electric vehicle charging stations na ayon kay Engr. Liza Silerio, SM Supermalls Vice President for Corporate Compliance at SM Cares Program Director ay bahagi na rin ng commitment nila sa environmental sustainability, disaster resilience at climate change action.
Sinabi ni Energy Director Patrick Aquino na sa pamamagitan ng roadshow ay mahihikayat ang publiko na maging aware sa paggamit ng enerhiya at makagawa ng mga paraan upang mabawasan ang bill sa kuryente at mai promote pa ang cleaner and greenr future para sa lahat.
Ipinaabot naman ni PCO Director Faith de Guia ang pangangailangan sa suporta ng bawat isa para maabot ang target na energy efficiency at conservation at mahalaga ang papel ng mga kabataan na mayruon aniyang kapangyarihang bumuo ng more sustainable world.
Suportado rin ng usaid ang kampanya sa pamamagitan ng City of Energia app nito na nagbibigay ng mga impormasyon sa publiko kaugnay sa energy efficiency and conservation.