Pinabulaanan ni Barry Gutierrez, Spokesperson ni Vice President Leni Robredo, ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ‘pinili’ umano ni VP Leni na umalis sa gabinete at maging lider ng oposisyon.
Sa isang tweet, tinawag ni Gutierrez si Roque na ‘sobrang sinungaling’.
Ipinakita rin niya sa kanyang tweet ang screenshot ng text message ni dating Cabinet Secretary Jun Evasco Jr., na nagsasabing gusto ng Pangulo na tumigil na sa pagdalo sa mga Cabinet Meeting si Robredo.
Dahil dito aniya kaya binitiwan na lamang ng Bise Presidente ang pagiging Housing Czar.
Samantala, wala pang komento hinggil dito si Roque. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico