Ganap nang isinabatas ng South Korea ang pagpapataw ng buwis sa mga pari, monghe at pastor sa kanilang bansa.
Ito’y matapos ang apat na dekadang debate hinggil sa naturang panukala na mariing tinututulan ng iba’t ibang religious denomination sa nasabing bansa.
Dahil dito, kailangan nang ideklara ng mga monghe, pari at pastor ang kanilang honorarium bilang religious income.
Subalit, kahit naisabatas na, tatagal pa ng hanggang taong 2018 bago ito tuluyang ipatupad bunsod na rin sa kaselanan ng usapin.
By Jaymark Dagala
Photo from: phi.wikitree.us