Pinangunahan ng mga pari ng Manila Archdiocese ang “penitential walk” upang ipagdasal ang mga botante sa kanilang pagpili ng susunod na leader ng bansa sa May 9 elections.
Kasama nila ang iba pang pari mula sa mga suffragan dioceses ng Maynila at ang mga relihiyoso mula sa iba’t ibang kongregasyon.
Nagsimula ang aktibidad sa Manila Cathedral kasama si Cardinal Jose Advincula bilang pangunahing presider at homilist.
Bahagi rin ito ng paggunita sa ika-150 anibersaryo ng pagka-martir ng tatlong paring sina Mariano Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora o kilala bilang GOMBURZA.
Mula katedral, dumaan ang mga pari sa GOMBURZA Memorial Marker sa luneta park at nagtungo sa Shrine of Nuestra Señora De Guia sa Ermita.