Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Simbahang Katolika partikular ang mga pari na patuloy na kumukuwestiyon sa kanyang anti-drug campaign at issue ng extra judicial killings.
Sa oath taking ng mga bagong promote na opisyal ng PNP, sinupalpal ni Pangulong Duterte ang patuloy na pag-iingay ng mga pari pero wala namang ginagawa ang mga ito para malutas ang problema sa droga.
Kumikita anya ng milyun-milyong Piso ang mga alagad ng simbahan kada linggo mula sa kanilang koleksyon pero wala namang ibinabalik sa mga tao bagkus ay magagarang gamit at sasakyan ang nakikita sa mga pari.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping