Binalaan ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari laban sa pagdaraos ng misa sa political rallies at activities.
Binigyang diin ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang circular eucharist o pagsasagawa ng misa na siyang simbolo ng pagkakaisa at ang pagdiriwang nito ay dapat nagpapakita na walang pinapaboran at iniendorsong kandidato, organisasyon man o partido.
Sinabihan din ni Tagle ang mga pari na huwag payagan ang mga kandidato na magsagawa ng mass baptisms, mass confirmation at maging mass wedding.
Ang hakbang ay para maproteksyunan ang pagiging non-partisan ang simbahan at mapanatiling banal ang sakramento.
By Judith Larino