Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga pari na nakakatanggap ng banta sa kanilang buhay na pormal na idulog ito sa pulisya.
Ayon kay Senior Superintendent Bernard Banac, Spokesman ng PNP, mas makakatulong sila kung malalaman nila ang mga detalye sa mga banta sa buhay ng ilang alagad ng simbahan.
Kasabay nito ay muling tiniyak ni Banac na handang magbigay ng proteksyon ang PNP sa mga pari kung kinakailangan.
Una nang nabunyag ang death threats laban kina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Caloocan Bishop Pablo David na sinundan ng banta laban kina Father Robert Reyes, Flavie Villanueva at Albert Alejo.
“’Yung mga pulis naman natin ay naghihintay lamang sa kanilang magiging desisyon dahil ito’y mga pribadong mga impormasyon na inilahad naman nila sa public, ayaw naman natin na tayo ay agad na presumptuous na pupuntahan agad natin sila dahil may naipahayag silang threat. Maganda rin sana na sa kanila rin manggaling, ibahagi na nila sa PNP.” Pahayag ni Banac
(Ratsada Balita Interview)