Inanunsiyo ng Provincial Tourism Office ng Ilocos Norte na bukas na muli ang mga parke at museo para sa mga residente sa probinsya.
Ginawa ni provincial tourism officer Aianree Raquel ang pahayag matapos isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang lalawigan.
Kasabay nito, nanawagan si Raquel sa mga residente na magsuot ng face mask sa kanilang pamamasyal, panatilihin ang isang metrong physical distancing, at ugaliing maghugas o mag-sanitize ng kamay.
Gayunman, ipinaliwanag ng opisyal na mangongolekta pa rin sila ng P10.00 entrance fee sa mga residente na papasok sa Cape Bojeador Lighthouse, Kapurpurawan Rock Formation, at iba pang tourist spots sa nabanggit na lugar.