Makakalahok pa rin sa eleksyon ang mga party list na nakakuha ng temporary restraining order (TRO) laban sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na ibasura ang kanilang akreditasyon para sa 2022 Election.
Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon kung saan kabilang ang partylist ng ang Tinig ng Seniors, Igorot Warriors International, Alliance for Resilience, Sustainability, and Empowerment (ARISE) Ugyon Mangunguma, Mangingisda Kag Mamumugon Nga Ilonggo (UMA Ilonggo), at ang programang aasenso Taumbayan-Dream Act, Participate, and Advocate for Sustainable Transformation (Apat-Dapat).
Ang unang tatlong partylist sa listahan ay nakakuha ng TRO mula sa supreme court (SC) noong December 17, habang inilabas ang TRO ng huling dalawa nitong Miyerkules.
Nilinaw naman ni Guanzon, na hindi kasiguraduhan ang TRO mula sa SC sa pagkakasama sa 2022 Ballot dahil sumusunod ang poll body sa isang timeline sa pagsasagawa ng eleksyon.
Samantala, nasa 166 party-list groups ang nakasama sa raffle, kung saan nakuha ng kalipunan ng maralita at malayang mamamayan o kamalayan party-list ang unang pwesto.