Bahagyang naramdaman ng mga pasahero ang hirap sa pagsakay sa mga TNVS o Transport Network Vehicle Services kasunod ng inilargang transports holiday.
Ayon sa ilang mananakay, hirap na hirap sila sa pagbo book ng sasakyan dagdag pa ang mataas na pasahe.
Pumalo umano ng mahigit 800 piso mula Quezon City hanggang Taguig gayundin ang mataas na pasahe sa iba pang lugar.
Sa kabila nito, sinabi ng Grab na naging normal naman ang operasyon ng mga TNVS ngayong araw.
Ayon sa Grab, batay sa kanilang monitoring ay may sapat na bilang ang mga nagbyaheng driver partners kaya walang naging problema lalo na kaninang rush hour.
Aniya, alam ng mga driver at operators sa ilalim ng Grab ang kanilang responsibilidad kaya hindi nila ito maaring balewalain.
Una nang naglarga ng tigil pasada ang ilang grupo dahil sa kanilang pagtutol sa pagbabawal sa pagba byahe ng hatchback at pahirap na mga requirements sa pagkuha ng prangkisa.