Asahan na ang mahabang pila sa Immigration area ng mga paliparan ngayong holiday season.
Ibinabala ito ni Immigration Spokesperson Antonette Mangrobang dahil sa technical glitch sa kanilang bagong sistema.
Samantala, pinabulaanan naman ni Mangrobang na kulang ang kanilang mga immigration officers sa mga counter sa paliparan gaya ng sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1.
Sa katunayan aniya ay naglabas sila ng kautusan na hindi maaaring mag-leave ang mga tauhan ng naia mula sa pasko hanggang sa unang linggo ng Enero.
Paalala naman ni Mangrobang sa mga biyahero na maglaan ng dalawa hanggang tatlong oras bago ang kanilang departure time.
—-