Matumal na o kakaunti na lamang ang mga pasaherong nagtutungo sa mga bus terminal sa Metro Manila.
Sa Araneta Bus terminal sa Cubao, Quezon City iilan na lamang ang mga pasaherong bumi biyahe pa lalawigan para sa paggunita sa araw ng mga patay bukas, November 1.
Maging mga bumi biyaheng bus pa lalawigan ay nabawasan na rin.
Bukod sa Araneta Bus terminal iilan na lamang din ang mga pasahero sa Victory Liner sa Sampaloc, Maynila at DLTB company sa Buendia, Pasay City.
Ayon sa mga otoridad karamihan sa mga pasahero ay nag biyahe na nitong nakalipas na weekend para na rin sa long weekend dahil deklaradong special non-working holidays ang araw na ito, October 31 at Martes, November 1.
By: Judith Larino