Dagsa na sa mga bus terminal ang mga bakasyunista na nagnanais salubungin ang Bagong Taon sa mga lalawigan.
Patibayan na ang labanan sa paghihintay ng mga masasakyan lalo’t patuloy pa sa pagdami ang mga dumarating sa mga terminal.
Kabilang din sa mga nagpapabigat sa kalbaryo ng mga pasahero ang hindi maayos na pasilidad sa mga terminal ng bus partikular na sa Pasay City gayundin sa Cubao sa Quezon City.
Kasunod nito, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi muna sila maghihigpit sa no standing policy sa mga pampublikong sasakyan upang mapagbigyan ang mga kababayan na makauwi sa kanilang mga probinsya sa tamang oras.
By Jaymark Dagala