Dumagsa na sa mga pantalan ang mga pasaherong uuwi sa kani – kanilang mga probinsya ngayong Kapaskuhan.
Ito ay matapos na payagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag ng mga barko.
Kasabay nito, inilagay na ng Philippine Coast Guard sa heightened alert ang lahat ng kanilang units simula ngayong araw at tatagal hanggang Enero 8 sa susunod na taon para sa ‘Oplan Biyaheng Ayos’ ngayong holiday season.
Una dito, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Urduja batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong alas-11:00 ng umaga.
Samantala, patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng PAR na huling namataan sa layong 1,395 kilometro Silangan ng Mindanao.