Umabot naman sa 18,000 pasahero ang dumagsa sa Bicol Central Station sa Naga City, Camarines Sur kasabay ng unang araw ng trabaho ngayong taong 2023.
Pinaka-marami sa mga biyahero ay pabalik ng Metro Manila matapos mag-pasko at bagong taon sa Bicol.
Ayon kay Bicol Central Station Manager Nonoy Reforsado, posibleng tumagal pa ng ilang araw ang buhos ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila.
Kahit nagdagdag anya ng bus ang ilang kumpaniya ay hindi pa rin umano kinakaya ang dami ng pasahero.
Sa kabila nito, wala namang naging problema o naitalang anumang aberya sa nasabing terminal.