Ikinatuwa ng mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang mahigit isang buwang libreng sakay sa linya ng mga tren na tatagal hanggang sa Abril 30.
Malaking tipid kasi para sa kanilang gastos sa pamasahe ang free ride program na inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 management lalo na’t araw-araw silang sumasakay sa MRT-3.
Ayon sa DOTr, nakatulong sa mga pasahero ang pag-aayos sa ilang bahagi ng istasyon ng MRT-3 kung saan, sa 72 mga bagon, nasa 48 na ang ayos at operational na.
Umaasa naman ang DOTr na aabot sa 300k hanggang 400k ang bilang ng mga pasaherong mabibigyan ng libreng serbisyo ng MRT-3 kada araw. —sa panulat ni Angelica Doctolero